Cuaresma

Naku, Holy Week na pala next week. Bakasyon na dito ng mga estudyante kaya tahimik na ang mga kalsada. Bigla ko tuloy naalala kung paano ang celebrasyon ng cuaresma sa Pinas. Ang mga nagpapapako pag Biernes Santo sa Bulacan, Pampanga, mga distrito ng Maynila at halos buong Pinas ata. Ang mga nagtitinda ng mga medalyon at kung ano-anong relics sa Quiapo. Na halos mapapa-away ka pa bago ka pumasok ng simbahan dahil bigla nilang isasabit sa ‘yo yung paninda nila. ‘Yung mga naka-mikroponong kumakanta ng pasyon sa mga kalsada ng Santa Cruz at Sampaloc.  Meron pa kayang nagpapasyon ngayon sa Maynila? Naalala ko halos puyat ang mga tao sa kalye namin sa Sampaloc pag ganitong cuaresma noon at nagagalit ang mga estuydante lalo na pag final exams, isa na ako dun! Ang mga makabagbag-damadamin na reflection o sharing ng mga artista, politico at mga kung sino pang guests sa mga programa sa TV. Samantalang dito, walang-wala sa kulay at ingay ng mga religious traditions ng Pinas.  Ang relihiyon dito ay personal na bagay at hindi nilalantad sa publiko. May ‘Prayer for the Day’ at Sunday service sa Radio 4 pero iba-ibang Christian denomination ang pinaparinig nila. Last week nga lang, may mahabang diskusyon tungkol sa kaso ng paedophilia na nangyari sa Ireland nung 70s na ngayon lang na-diskubre. Nag-issue na ng apology si Pope Benedict tungkol dito, na dapat lang naman. Meron din kayang mga pang-aabuso sa Pinas ng mga cleriko? At kelan kaya malalaman ng publico ang mga ito? Ilang mga babae o lalake kaya ang nahalay o nabiktima ng mga taong simbahan sa Pinas? Hay, grabe. Yung sinulat ni Rizal noon sa Noli at Fili eh nangyayari pa rin hanggang ngayon. Umalis na nga ang mga Espanol pero patuloy pa rin na nagpapaniwala ang mga tao sa animoy kabanalan at ng mg lider ng simbahan.

Advertisements

Eleksyon 2010

I was searching for James Fallows’ article A Damaged Culture earlier today for a paper I need to write when I stumbled on his latest article.  Interestingly, it was about the Philippines, particularly Noynoy Aquino and his family’s position about Hacienda Luisita. Nalimutan ko na nga yung sinulat nya noong 1987 pero nung binasa ko, halos ganito pa din ang sitwasyon sa Pinas hanggang ngayon. Yung mga mayayaman pa rin ang lalong yumayaman at lalong lumalaki ang agwat ng mahihirap sa mayayaman. I’m not against Noynoy Aquino nor am I endorsing him. I just find it ironic that when he decided to run for president, he was promising change and hope for the people. Tapos ngayon lumalabas na mukhang hanggang salita lang pala siya tungkol dito? Susmiyo. At kung may delicadeza si Kris, sana ay mag-resign sya sa mga programa nya dahil nagiging melodramatic at comedic ang kampanya ng kuya nya dahil sa kanya.  I was 13 when Cory became the President and I have full admiration for the limited reforms she introduced during her term. She could not undo 20 years of dictatorship, as many observed. But it seems that her children have not carried on hers and Ninoy’s love for the nation. Sana lumabas ngayon ang mga tunay na kwentong nagpapakita ng tunay na serbisyo ni Noynoy (at ni Kris) sa bayan. Please Kris, sana naman huwag kang masyadong magyabang sa mga programa mo. Alam na ng buong bayan kung gaano ka/kayo kayaman, samantalang kami nagugutom at naghihirap.