Cuaresma

Naku, Holy Week na pala next week. Bakasyon na dito ng mga estudyante kaya tahimik na ang mga kalsada. Bigla ko tuloy naalala kung paano ang celebrasyon ng cuaresma sa Pinas. Ang mga nagpapapako pag Biernes Santo sa Bulacan, Pampanga, mga distrito ng Maynila at halos buong Pinas ata. Ang mga nagtitinda ng mga medalyon at kung ano-anong relics sa Quiapo. Na halos mapapa-away ka pa bago ka pumasok ng simbahan dahil bigla nilang isasabit sa ‘yo yung paninda nila. ‘Yung mga naka-mikroponong kumakanta ng pasyon sa mga kalsada ng Santa Cruz at Sampaloc.  Meron pa kayang nagpapasyon ngayon sa Maynila? Naalala ko halos puyat ang mga tao sa kalye namin sa Sampaloc pag ganitong cuaresma noon at nagagalit ang mga estuydante lalo na pag final exams, isa na ako dun! Ang mga makabagbag-damadamin na reflection o sharing ng mga artista, politico at mga kung sino pang guests sa mga programa sa TV. Samantalang dito, walang-wala sa kulay at ingay ng mga religious traditions ng Pinas.  Ang relihiyon dito ay personal na bagay at hindi nilalantad sa publiko. May ‘Prayer for the Day’ at Sunday service sa Radio 4 pero iba-ibang Christian denomination ang pinaparinig nila. Last week nga lang, may mahabang diskusyon tungkol sa kaso ng paedophilia na nangyari sa Ireland nung 70s na ngayon lang na-diskubre. Nag-issue na ng apology si Pope Benedict tungkol dito, na dapat lang naman. Meron din kayang mga pang-aabuso sa Pinas ng mga cleriko? At kelan kaya malalaman ng publico ang mga ito? Ilang mga babae o lalake kaya ang nahalay o nabiktima ng mga taong simbahan sa Pinas? Hay, grabe. Yung sinulat ni Rizal noon sa Noli at Fili eh nangyayari pa rin hanggang ngayon. Umalis na nga ang mga Espanol pero patuloy pa rin na nagpapaniwala ang mga tao sa animoy kabanalan at ng mg lider ng simbahan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: